Manila, Philippines – Nagsimula na ang taunang Special Program for Employment of Students (SPES) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Aabot sa dalawandaang estudyante ang magte-training sa iba’t-ibang opisina ng MMDA sa loob ng isang buwan.
Magsisilbi sila bilang mga clerks, computer operators, public relations assistants, research assistants, records clerks, legal assistants, messengers, engineering aides, statistician aides, data encoders at iba pa.
Layunin ng nasabing programa na maturuan ang kabataan sa mga trabaho ng MMDA tulad nang sa traffic management, solid waste management, urban planning, health, public safety, environmental protection and flood control management at public safety.