Manila, Philippines – Umapila ang mga commuter ng LRT Line 2 sa pamunuan Light Rail Transit Authority (LRTA) na gumawa agad ng kaukulang aksyon dahil simula Santolan Station hanggang Recto Station ay walang aircon o hindi umaandar ang aircon ng naturang tren.
Tumatagaktak ang mga pawis ng mga estudyante at manggagawa na sumasakay ng tren mula Santolan hanggang Recto Station dahil sa tindi ng init na kanilang nararanasan bunsod ng nakapatay ang aircon.
Madalas anila nangyayari na walang aircon ang LRT line 2 kaya bukod sa mistulang sardinas na sa loob samut saring amoy ang nalalanghap sa loob dahil sa walang aircon at ang tindi ng init na nararanasan ng mga commuter sa loob ng tren.
Umaasa ang mga commuter na magagawan kaagad na aksyon ng pamunuan ng LRTA ang kanilang panawagan na ayusin ang aircon sa loob ng tren at huwag ng antayin pa na mayroon mahihilo o mahihimatay dahil sa tindi ng init at walang aircon bukod pa sa siksik sa natyrang tren ng LRT line 2.