Manila, Philippines – Tiniyak ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na walang kakulangan ng suplay ng tubig ngayong papalapit na ang panahon ng tag-init. Ayon kay Director Antonio Daño, Exec. Dir. ng river basin control office, mas mulat na ngayon ang publiko sa kanilang tungkulin sa water conservation. Pero mas makatutulong ng husto aniya kung ang pagiging mulat ay isagawa sa pamamagitan ng kaakibat na aksyon. Sa World Water Day Celebration, isang linggong ibat-ibang mga programa ang isasagawa ng mga ahensya ng gobyerno gaya ng LWUAl, Laguna Lake Development Authority, DENR, National Water Resources Board, Environmental Management Bureau, Pasig River Rehabilitation Commission, DPWH at maging ang water concessionaire na Maynilad Waters Inc. Sa pamamagitan ng ‘nature walk’ sa limang kilometrong bahagi ng mabundok na La Mesa Dam sa Quezon City ipinakita ng mga ahensyang ito ang mahalagang papel ng gagampanan ng taumbayan para maitaas ang pagkamulat sa katotohanang walang ibang mangangalaga sa kalikasan kundi ang kasalukuyang henerasyon.
SUMMER SEASON | DENR, tiniyak na walang kakulangan ng suplay ng tubig
Facebook Comments