SUMMER SEASON | Meralco, nag-abiso ng taas-singil sa kuryente ngayong buwan

Manila, Philippines – Asahan nang tataas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, maglalaro sa P0.75 ang posibleng itaas sa singil sa kuryente.

Aniya, kasama na rito ang P0.33 na naiwang dagdag singil noong February bill.


Paliwanag naman ni Larry Hernandez, Utility Economics Head ng Meralco, bukod sa pagtaas ng presyo ng kuryente galing sa mga planta, sumipa rin ang konsumo dahil sa nararanasang mainit na panahon.
<#m_-4530770246312311159_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments