SUMMER SEASON | Summer solstice, mangyayari ngayong araw

Manila, Philippines – Masisilayan ang mahabang araw at maikling gabi ngayong Araw, June 21.

Ayon sa PAGASA, mangyayari kasi ngayong araw ang ‘summer solstice’.

Maagang sisikat ang araw ng alas-5:28 ng umaga at lulubog na ng alas-6:27 ng gabi, kung saan ang daytime ay magtatagal ng 12 oras at 59 na minuto.


Ang summer solstice ay hudyat ng pagsisimula ng summer season sa northern hemisphere o hilagang parte ng daigdig mula sa equator.

Dahil dito, asahan na ang mahabang araw kaysa sa gabi sa loob ng susunod na tatlong buwan.

Facebook Comments