SUMMER VOLKSWAGEN CLASSIC AND CUSTOM CAR SHOW, ISINAGAWA SA BAYAN NG BINALONAN

Kamakailan lamang ng June 24, araw ng Sabado ngayong taon ay isinagawa ang Summer Volkswagen Classic at Custom Car Show na ginanap sa Municipal Hall Grounds sa bayan ng Binalonan bilang bahagi ng selebrasyon ng World Volkswagen Day.
Sa pangunguna ng Volkswagen Club of the Philippines Pangasinan Chapter- East at ng LGU Binalonan. Maraming nakilahok sa Classic Car Show na ito. Marami ring iba’t ibang disenyo ng mga Volkswagen ang ibinida sa nasabing aktibidad. Makukulay at napaka vintage ang style. Ang mga iba ay naka customized at used project cars. Bukod rin sa mga ibinidang classic cars, may mga nagtitinda rin ng mga iba’t ibang parts ng mga sasakyan.
Maraming Pangasinense ang natuwa dahil para daw silang dinala at naglakbay ulit sa kasaysayan. Minsan ang mga lumang bagay o mga gamit ay may malaking impact at alaala pa rin sa mga tao sa makabagong panahon katulad ng mga iconic classic vintage cars na Volkswagen. |ifmnews

Facebook Comments