Umabot sa 12 million dollars o halos 640 million pesos ang nagastos ng Singapore sa kakatapos na summit sa pagitan nina U.S. President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-un.
Ayon kay Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, karamihan sa mga pondo ay ginastos sa security.
Hindi na hinimay-himay pa ng opisyal kung saan partikular ginastos ang pondo.
Una nang sinabi ni Singaporean Prime Minister Vivian Balakrishnan na sinagot din nila ang gastos ng hotel room ng North Korean leader.
Nabatid na umabot sa tatlong araw ang pananatili nina Trump at Kim sa Singapore Para pagkasunduan ang denuclearization ng North Korea.
Facebook Comments