Amerika – Dumating na sa New York ang Senior North Korean Envoy na makikipagpulong sa ilang opisyal ng Estados Unidos bilang paghahanda sa makasaysayang summit sa pagitan nina U.S. President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-un.
Ayon sa White House, makikipagkita si Kim Yong Chol kay U.S. Secretary of State Mike Pompeo.
Si Kim Yong Chol ay trusted adviser ng North Korean leader.
Matapos ang 18 taon, ito muli ang unang pagkakataon na nakatapak ang isang North Korean official sa Amerika.
Nabatid na ang huling pagpupulong ay noon pang taong 2000 sa pagitan nina dating U.S President Bill Clinton at North Korean Vice Marshal Jo Myong Rok.
Facebook Comments