Pinapurihan ng Pilipinas ang makasaysayang pulong nina US President Donald Trump at North Korea Leader Kim Jong-un.
Ayon kay Foreign Affair Secretary Alan Peter Cayetano, bagaman at marami pang kakaharaping hamon, ang paghaharap nina Trump at Kim ay nagbibigay mensahe na mahalaga ang dayalogo at dimplomasya sa pagresolba sa mga isyu.
Inaasahan naman aniya ng Pilipinas bunsod ng pulong na matutupad ang denuclearization at matamo ang hinahangad na kapayapaan, katatagan at seguridad sa rehiyon.
Sabi pa ni Cayetano, handa ang Pilipinas na mag-ambag para sa katuparan ng naturang mga layunin.
Facebook Comments