Summons at tickets sa mga lumabag sa Anti-Distracted Driving Act, ihahain ngayong araw

Manila, Philippines – Matatanggap na ngayong araw ang summons at ticket citations sa mga lumabag sa Anti-Distracted Driving Act (ADDA)

Sa huling tala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), umabot na sa 204 ang naitalang lumabag kung saan karamihan ay nakuhaan na tumatawag o nagte-text lalo na kapag naka-stop sa mga intersection.

Ayon kay MMDA No Contact Apprehension Head Ronnie Rivera – nakalagay sa citation ang picture o screengrab ng violation.


Kasama rin aniya rito ang oras at lugar pati na rin ang batas trapiko ang nilabag.

Nakasaad din dito ang registration ng violator plate number at address ng may-ari ng sasakyan.

Kapag ang registered owner ang hindi nagmamaneho ng nahuling violator at naibenta na ang sasakyan pero nakapangalan pa rin sa orihinal na owner ang sasakyan, kailangang sumadya sa tanggapan ng mmda para magpaliwanag.

Sa mga aapela naman, magtungo sa adjudication board ng MMDA.

Paalala ng MMDA, araw-araw nilang binabantayan ang mga kalsada para sa mga lalabag sa ADDA.
*tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558*

Facebook Comments