Manila, Philippines – Sumobra sa inaasahan ang nakolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa unang tatlong buwan ng 2018.
Ayon sa BIR, P36 bilyon dapat ang inaasahang mawawalang buwis sa gobyerno sa unang quarter ng taon dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Pero sa datos ng BIR, P23 bilyon lang ang nawalang buwis.
Ibig sabihin, nakakolekta ng halos P13 bilyong buwis ang BIR na higit sa inaasahan nito para sa unang tatlong buwan ng 2018.
Gayunman, nilinaw ng BIR na hindi ito dahil sa dagdag-buwis sa mga produktong petrolyo.
Facebook Comments