SUMOBRA | Maluhong Christmas party, dapat ipagbawal din ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Umaasa si Senator Win Gatchalian na ipagbabawal na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng maluhong Christmas party at hindi kinakailangang paggastos sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Inihalimbawa ni Gatchalian ang idinaos na Christmas party ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na ginastusan ng 6-million pesos.

Giit ni Gatchalian, nagpapakita ito ng kawalan ng konsiderasyon sa kapakanan ng mga mahihirap na Pilipino.


Ang pahayag ni Gatchalian ay kasunod ng ‘No Travel Abroad Policy’ para sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na ipapatupad ng Pangulo simula taong 2018.

Diin ni Gatchalian, tama lang na isulong ng Pungulo ang pananagutan at makatwirang paggastos sa pera ng bayan.

Sen Win Gatchalian:
The “starvation diet” on foreign trips should also be extended to lavish Christmas parties and unnecessary expenses. I join the President in creating a culture of accountability and prudence in managing public funds. The recent lavish PCSO Christmas Party is a prime example of insensitive public officials spending public funds on exorbitant parties without regard to the plight of their poor constituents.

Facebook Comments