Sumobrang bayad para sa terminal leave ng mga dating empleyado ng PCO, nabawi

Nakuha na ng Presidential Communications Office (PCO) ang sobrang bayad para sa terminal leave ng mga dating empleyado.

Ito ang sinabi ni PCO Secretary Cheloy Garafil matapos magpalabas ng Audit Observation Memorandum o AOM ang Commission on Audit (COA) na nagkaroon ng overpayment sa Terminal Leave Benefits ng mga separated officials at employees na aabot sa P26.7 milyon.

Ayon kay Garafil, matapos matanggap ang AOM agad na gumawa ng hakbang ang PCO para mabawi ang mga sobrang bayad.


Ayon kay Garafil, nasa P824,625 na ang nabawi mula sa 38 na separated personnel.

Naibalik na aniya ito sa Bureau of Treasury.

Pitong separated personnel naman aniya ang nangako na ibabalik ang sobrang bayad na aabot sa P203,956.

Kaugnay naman sa incomplete documents, sinabi ng kalihim na nagsumite na ang Human Resource Development Division ng Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALNs) sa COA.

Siniguro naman ni Garafil na walang administrative cases o nakapending na imbestigasyon na kinakaharap ang mga dating opisyal at empleyado ng PCO.

Patuloy lamang aniyang tatalima ang PCO sa rules at regulations ng COA.

Facebook Comments