Sumobrang kita sa Shop and Share initiative nina Angel Locsin at Anne Curtis, mapupunta sa PRC at mga LGU

Nagdesisyon na ang mga organizers ng Shop and Share initiative na sina Angel Locsin at Anne Curtis kung saan mapupunta ang sumobrang pera galing sa celebrity auction na kanilang inumpisahan.

Ayon kay Angel, napagdesisyunan nilang sa limang Local Government Units (LGUs) kabilang ang Baguio, Manila, Pasig, Taguig, at Quezon at sa Philippine Red Cross (PRC) na lamang ito ipamahagi.

Magiging tulong anila ito sa pondong gagamitin para sa pagbabakuna at testing lalo na nung mga nasa prayoridad.


Unang sinimulan ang Shop and Share initiative noong 2009 sa kasagsagan ng Bagyong Ondoy, kung saan ilan sa mga celebrity na nag-donate ng kanilang pre-loved products ay sina; Bea Alonzo, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Regine Velasquez, Kathryn Bernardo at Liza Soberano.

Facebook Comments