Manila, Philippines – Sumugod sa Mendiola bridge ang grupong Davao del Norte Electric Cooperative (DANECO) upang umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na kilalanin ng mga Government Agencies lalung-lalo na ang National Electrification Administration (NEA) ang kanilang kooperatiba.
Ayon kay Albert Omega Chairman of the Board ng DANECO kapag hindi aniya kinikilala ang kanilang kooperatiba hindi nila matatanggap ang mga benepisya na nakasaad sa RA 9520 gaya ng tax exemption na mapababa ang singil ng kuryente na ang makikinabang ay mga consumer owners.
Paliwanag ni Omega kapag kinikilala ng gobyerno ang kanilang kooperatiba ay magkakaroon ng benipisyo gaya ng dividendo at Patronage refund na makukuha ng mga members at consumers na manggagaling sa net surplus ng naturang kooperatiba.
Giit pa ni Omega mahigit 100 mula Davao del Norte na bumiyahe pa tatlong araw at dalawang gabi para kalampagin ang Duterte Administration upang panawagan sa Pangulo na ikunsidera na ang kanilang kooperatiba dahil sumusunod naman sila sa lahat ng mga requirements na nakasaad sa batas at wala silang anumang nilabag.
Sa ngayon aniya ay anim Electric Cooperative ang fully recognized na ng gobyerno na malaking tulong sa publiko para mapababa ang presyo ng kuryente at dalawa sa Visayas pero sa Mindanao aniya ay wala pang nakapag-operate na lubos.