SUMUGOD | Nantalang bonus, pinalagan ng mga government health workers

Manila, Philippines – Sumugod sa Department of Health (DOH) ang mga Government health workers upang iprotesta ang naantala nilang mga benipisyo gaya ng performance-based bonus na dapat noon pa umanong June naibigay.

Ayon kay Sean Herbert Velchez, spokesman ng Alliance of Health Workers, kalahating buwang sweldo ang katumbas ng performance-based bonus.

Tutol din ang mga health workers sa umano’y planong ang collective negotiations incentives na nasa 25,000 pesos na dapat ay ibigay ngayong December ay hahatiin para ibigay sa Marawi.


Umaangal din ang mga health workers sa continuing professional development na dapat nilang gawin para makapag-renew ng lisensya dahil gagastos sila ng higit 50,000 pesos.

Sa harap naman ng protesta, dumating si Health Secretary Francisco Duque III at hinarap ang mga nagpoprotestang mga health workers.

Inaalam ni Duque at hinikayat ang mga health workers para sa isang dayalogo.

Ikinatuwa naman ng mga health workers na sa unang pagkakataon ay may humarap sa kanilang Secretary ng DOH.

Facebook Comments