Basilan – Kusang loob na sumuko sa militar ang isang 18-anyos na miyembro ng Abu Sayyaf Group.
Kinilala itong si Nurin Ajalan alyas Kureret Usuluddin residente ng Barangay Sungkayut, Ungkaya Pukan, Basilan.
Sumuko ito sa tropa ng 18th IB, ng Philippine Army at Tipo-tipo Police kahapon ng tanghali.
Isinuko rin nya ang kanyang isang M16 and at isang M203 may kaugnayan sa Balik Baril Program ng pamahalaan.
Sa ngayon nasa kustodiya ito ng militar para sa imbestigasyon.
Facebook Comments