Surigao del Sur – Sumuko sa militar at pulisya ang tatlong lider ng New Peoples Army (NPA) sa Barangay Telaje Tandag City Surigao del Sur.
Kinilala ang mga sumukong teroristang NPA na sina Hermano Quesada alyas Rado 48-anyos Commander ng Sentro de Grabidad o SDG Platoon Guerilla Front Committee 30, Donita Martinez alyas Clara o Laura 31-anyos, medical team leader ng SDG platoon at Romanito Molino alyas Tata 42-anyos, team lider ng team Baking Uno Squad SDG platoon na lahat ay nasa ilalim ng North Eastern Mindanao Regional Committee.
Ayon kay 1st Lieutenant Tere Ingente tagapagsalita ng 4th Infantry Division ng Philippine Army ang SDG Guirella Front Committee 30 ay ang pangunahing responsable sa pagsasagawa ng mga pag-atake sa mga lugar ng Surigao del sur.
Kahapon binigyan agad ng 20,000 cash assistance ang mga sumukong NPA mula sa Local Government Unit (LGU) bukod pa sa ibang tulong mula sa pamahalaan para makapagbagong buhay ang mga dating rebelde.