SUMUKO | Mga binatilyo na nasa viral video na nagma-marijuana at minumura pa si Pangulong Rodrigo Duterte, sumuko na

Manila, Philippines – Sumuko na sa pulisya ang mga lalaki sa viral video na makikitang nagpa-pot session, nagmumura at naghahamon kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawing legal sa bansa ang paggamit ng marijuana.

Ayon kay Malabon Chief Sr/ Supt. Harry Estela – anim sa pitong lalaki ang sumuko kanina matapos na ring sabihan ng mga opisyal ng Barangay Tugatog tungkol sa kanilang viral video.

Natakot din daw ang mga ito nang malamang maglulunsad na ng operasyon ang pulisya laban sa kanila.


Mangiyak-ngiyak naman ang anim habang dinedepensahan ang kanilang mga sarili.

Anila, taong 2016 pa video at wala naman daw silang balak na ikalat ito.

Nawala kasi anila ang cellphone ng kanilang kasama kaya hindi rin nila alam kung sino ang nag-post ng video ng Facebook.

Pinag-aaralan na ng Malabon-PNP kung ano ang kasong isasampa nila laban sa mga suspek.

Facebook Comments