Manila, Philippines – Hinihikayat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga nasa narco list na mga kapitan, barangay at kagawad na sumuko na lang.
Kasabay ito ng mga ulat na pinabubulaanan ng mga nasa listahan ang pagkakadawit nila sa kalakalan ng ilegal na droga.
Ayon kay NCRPO Chief Director Camilo Cascolan sa halip na sa media magsalita at magpa-interview ay sa kanila na lamang sumuko at makipag-ugnayan.
Tiniyak naman ng NCRPO chief na gagawin nila ang tamang proseso sa pagsuko ng mga nadadawit na Barangay officials.
Babala pa nito kapag hindi nagsipagsuko ang mga nasa narco list sila ang gagawa ng paraan upang ang mga ito ay masakote.
Sa inilabas na listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 117 ay pawang mga barangay kagawad at ang 90 dito ay mga barangay chairmen na karamihan ay mula sa Bicol Region.