SUMUKO | Sub-leader ng ASG at 2 nitong miyembro, sumuko sa militar sa Sulu

Sulu – Sumuko sa Philippine Marines ang isa sa Sub leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) at dalawa nitong miyembro sa Brgy Ipil, Maimbung, Sulu kahapon.

Kinilala ni Philippine Marines Spokesperson Captain Maria Rowena Dalmacio ang mga sumukong miyembro ng ASG na sina Sub-leader Berham Lutian Alyas Vietnam, Abdulsalam Ajul alias Rambo at Ahmajir Ahmad Alias Abu Darda.

Kusang loob rin na isinuko ng mga bandido ang kanilang mga armas partikular ang dalawang M16 at isang M79 grenade launcher na may Magazine at ammunitions.


Sinabi pa ni Dalmacio na ang isa sa sumukong si alyas Abu Darda ay dating tauhan ng nasawing ASG Sub leader Commander Robot.

Dinala agad sa Camp Bautista Station Hospital ang tatlong bandidong sumuko para sa medical check-up at itinurn-over rin agad sa Joint Task Force Sulu.

Binigyan rin sila ng ilang sako ng bigas at groceries at isinama sa Comprehensive Livelihood Integration Program ng militar at local government ng Sulu.

Facebook Comments