SUMUKO | Trillanes, hindi na isinailalim ng PNP sa booking procedure

Manila, Philippines – Hindi na isinailalim pa ng Philippine National Police sa regular finger printing at booking procedure si Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ay matapos na kusang loob itong sumuko sa korte dahil sa kaso nitong four counts of libel na isinampa ni Dating Davao City Vice Mayor at Presidential Son Paolo Duterte dahil sa paninira raw ng senador.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana, kaninang umaga agad na tumungo sa RTC Branch 118, sa Pasay City ang ilang tauhan ng Southern Police District para tutukan ang pagsuko ni Senator Trillanes.


Isasailalim pa sana nila ito sa regular finger printing at booking procedure pero inutos ng korte na i-waive na ito.

Si Trillanes ay nagpyansa ng P24,000 para sa bawat count ng kasong libelo.

Facebook Comments