Sumukong NPA sa kasalukuyang administrasyon, umabot na sa 521

Manila, Philippines – Aabot na ng limang daan at dalawampu’t isang mga rebelde ang sumuko sa gobyerno kasunod ng pagtatapos ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at NPA noong ika-4 ng Pebrero 2017.

Ayon kay Public Affairs Chief Marine Colonel Edgard Arevalo – nagpapakita ito ng patuloy na paglakas ng operasyon ng militar partikular sa lugar ng npa sa eastern Mindanao.

Sa pagsisimula kasi ng buwan ng Nobyembre, labing walo nang mga miyembro ng NPA ang sumuko sa kamay ng AFP.


Ilan sa mga kilalang NPA na sumuko ay sina joel Embos Alias Jojo, Aman Baclayon, Camilo Dumanglay, Allan Jeva Asalan, Welnie Sanchez, Junrey Pinsahan at isang 16 anyos na si Ker-Ker Saling Bangon na gumagamit ng alyas Tarzan at Tikboy.

Facebook Comments