Hindi kasama sa nagplanong magpasabog sa Jolo, Sulu Cathedral ang sumukong si alyas Kamah nitong weekend.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na kumpirmahin ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na sumuko si Alyas Kamah at apat na ibang pang mga kasama nito na umanoy sangkot sa nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu Cathedral.
Ayon sa kalihim ang kumpirmado lamang may kasabwat na foreign nationals sa naganap na pagsabog.
Pero ang sumukog si Alyas Kamah ay hindi si Alyas Kamah na kanilang hinahanap.
Naniniwala rin si Lorenzana na malaki ang posibilidad na indonesian nationals ang foreign terrorist na kasabwat sa pagsabog.
Ito ay aniya ay batay sa mga witnesses na kanilang nakapanayam nang mangyari ang pagsabog.
Hindi raw nakakapagsalita ng tausug ang babaeng unang nakitang nagiwan ng ecobag sa loob ng simbahan na ang laman ay bomba.
Una na ring sinabi ng PNP na mga Indonesian couple ang suicide bombers na dumaan muna sa Malaysia bago tumungo dito sa Pilipinas para isagawa ang pagpapasabog.