Pinagdududahan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group ang sumukong suspek sa paghagis ng molotov bomb sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 open parking noong Sabado.
Ayon kay PNP AVSEGROUP Chief Brig. General Jack Wanky, hindi consistent ang mga statement ng suspek kaya posible aniyang fall guy ito.
Sa kabila nito, tiniyak ni Wanky na patuloy ang pag-assess ng kanilang mga imbestigador sa suspek at nagpapatuloy aniya ang debriefing dito.
Sa nangyaring pagsabog ng molotov bomb sa NAIA 3 open Parking 3 mga nakaparadang mga sasakyan ang napinsala.
Facebook Comments