Taguig – Hawak na ng Taguig police ang sumundo sa napatay na 14-anyos na binatilyong maagang nalulong sa bisyo.
Ayon kay Senior Supt. Alexander Santos, hepe ng Taguig City, inaalam pa nila kung bakit sinundo ni Zeus Obog ang biktimang si Mark Lawrence Salonga.
Aniya, walang kinalaman sa droga ang pamamaril kay salonga pero isa sa tinitignan nilang anggulo ay ang posibleng away sa magkaibang grupo.
Hindi rin aniya nila masabi kung target rin ng pamamaril si Obog dahil agad itong tumakbo nang mangyari ang pamamaril.
Posibleng kakilala rin aniya ni Salonga ang bumaril sa kaniya.
Kinumpirma naman ni Barangay Palingin Tipas Chairman Jerome Mendiola na dati ng may record sa kanila si Salonga dahil sa ilang pagnanakaw.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng Taguig police ang resulta ng medico legal examination sa labi ni Salonga.