Inihayag ni Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala na umaabot na sa walong libong mga recruit ng New Peoples Army ang sumuko na sa militar.
Ang bilang na ito ay naitala simula noong 2017 nang simulang ipatupad ng Armed Forces of the Philippines ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E CLIP.
Ayon kay Col. Zagala, karamihan sa mga na-recruit ay mga estudyante.
Sinabi ni Zagala, hindi lamang problema ng security forces ang pagkaka-recruit sa mga estudyante o mga kabataan ng mga makakaliwang grupo.
Panahon na aniya na tutukan pa ng mga magulang ang kanilang mga anak habang nag-aaral para hindi mahikayat ng mga komunistang grupong umanib sa kanilang kilusan.
Facebook Comments