
Sa tantya ni Senator JV Ejercito nasa 15 hanggang 16 na ang mga senador na lumagda sa resolusyon ng pagsuporta kay Senate President Chiz Escudero sa 20th Congress.
Ayon kay Ejercito, noong nakaraang buwan habang naka-break ang Kongreso ay dumating sa mesa niya ang resolusyon para sa paghahayag ng suporta kay Escudero na magpatuloy sa kaniyang pwesto.
Sinabi ng senador na oras magbukas ang first regular session ng 20th Congress ay lalabas ang resolusyon at kung walang tututol dito ay magkakaroon na ng eleksyon para sa bagong Senate president at ang matatalo ay otomatikong magiging minority leader.
Kung umabot aniya sa 18 ang kanilang bilang ay walang duda na kuha ni Escudero ang supermajority.
Bagamat posibleng may factor ang committee chairmanship kaya gusto ng mga senador si Escudero subalit wala pa man ito ay kuha na ni SP Chiz ang mayorya ng mga senador.
Itinanggi naman ni Ejercito na may kinalaman ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa pagpili ng mga senador kay Escudero.









