Cauayan City, Isabela- Itinalaga ng 5th Infantry Star Division Philippine Army ang mga bagong sundalo at CAFGU sa mga battalion sa buong rehiyon dos at ilang parte ng Cordillera Administrative Region (CAR).
Ayon kay Army Major Noriel Tayaban, pinuno ng 5ID DPAO, ito ay upang madagdagan ang pwersa ng kasundaluhan sa mga lugar na higit na kailangan pagdating sa usapin ng seguridad.
Itinalaga ang 50 na bagong sundalo at 76 na CAFGU sa bayan ng San Mariano sa lalawigan ng Isabela upang mapaigting ang kampanya ng pamahalaan na wakasan ang karahasan na dulot ng mga rebeldeng grupo partikular sa bulubunduking bahagi ng Sierra Madre.
Inaasahan namang malaking tulong ang maibibigay ng dagdag na pwersa sa mga residente ng San Mariano at Benito Soliven.
Hakbang ito ng kasudaluhan dahil sa kahilingan ng mga residente sa liblib na mga barangay kung saan kinakailangan na magkaroon ng dagdag na pwersa na poprotekta laban sa mga CPP-NPA.
Samantala, nagpadala rin ng mga dagdag na pwersa sa Jolo, Sulu ang pamunuan ng 5ID para sa pagbibigay ng dagdag seguridad.