SUNDALO MULA SA REHIYON DOS, PATAY SA PAG-ATAKE NG MGA TERORISTA

CAUAYAN CITY – Isang magiting na sundalo ang nasawi sa nangyaring pag-atake ng hinihinalang local communist terrorist group habang nagsasagawa ang mga ito ng checkpoint sa patrol base ng 99th Infantry Battalion, Barangay Pagatin 1, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao Del sur.

Ang fallen hero ay nakilalang si Private Rosendo Gannaban, mula sa Divisoria, Enrile, Cagayan. habang sugatan naman ang kabaro nito na si Private First Class Lexter Lizardo.

Ayon sa ulat, bigla na lamang may nagpaulan ng bala sa kanilang lokasyon sa hindi matukoy na direksyon.


Kalaunan, nabatid na nakaposisyon ang gunman sa 150 meters northwest mula sa kanilang patrol base.

Samantala, sa ngayon ay nakaburol na ang mga labi ni PVT Gannaban at hinihintay na lamang na maiuwi ang mga labi nito sa Cagayan.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng 6th Infantry Division sa mga naulilang pamilya at nangakong pananagutin ang nasa likod ng nasabing panghaharass at pagpatay sa miyembro ng tropa ng militar.

Facebook Comments