Sundalo na Hinihinalang Tinamaan ng COVID-19, Binawian ng Buhay

Cauayan City, Isabela- Binawian na ng buhay ang isang sundalo na hinihinalang tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa inilabas na abiso ng LGU Allacapan, isang 30-anyos na sundalo, may-asawa at tubong bayan ng Alicia, Isabela.

Kahapon (Abril 21,2021) nang isugod sa Rural Health Unit Allacapan ang sundalo ng makaranas ito ng panghihina, pananakit ng katawan, pagkahilo at paninilaw ng mata.


Agad itong isinailalim sa rapid antibody test at negatibo ang naging resulta ng kanyang pagsusuri.

Maliban dito, inilipat siya sa Aparri Provincial Hospital at muling sumailalim sa hiwalay na pagsusuri kung saan positibo ito sa Antigen swab test hanggang sa ilipat naman sa Alcala District Hospital dahil sa kanyang kondisyon.

Ngayong umaga, nang bawian ng buhay ang sundalo habang hinihintay naman ang kanyang resulta ng RT-PCR test kung posibleng COVID-19 ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa kasalukuyan, 16 ang aktibong kaso ng virus sa bayan ng Allacapan.

Facebook Comments