Sundalo na may COVID -19, umabot na sa 221

Nadagdagan pa ang bilang ng mga sundalong nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Edgard Arevalo, hanggang kahapon, July 16, 2020, umabot na sa 221 na sundalo ang mga tinamaan ng COVID-19.

Tumaas ito ng 20 kumpara sa huling ulat ng AFP na 201 COVID-19 cases.


22 sundalo naman ang gumaling na sa sakit at 126 na sundalo ay cleared na sa virus at pinayagan nang makauwi sa kanilang bahay at muling makabalilk sa duty.

Sa ngayon, tiniyak ni Arevalo na lahat ng mga sundalo maliban sa mga positibo sa COVID-19 ay physically fit at malusog ang pangangatawan na gampanan ang kanilang misyon na tutukan ang national security issues at pandemic.

Facebook Comments