Arestado ang tatlong indibidwal kasunod ng ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tapat ng isang mall sa Commonwealth, Quezon City.
Ayon sa isang tauhan ng PDEA, nag-ugat ang operasyon mula sa sumbong ng isang concern citizen na ipinadaan sa Facebook page na “Isumbong Mo kay Wilkins.”
Dito, naaresto ang mga suspek na sina reservist Private 1st Class Omar Salillaguia Pagayawan, 35-anyos; Arnel Abdul, 31 at isang company driver; at Jonaid Londoy, 27-anyos.
Nabatid na target sa operasyon ang sundalo na si Omar kung saan naka-uniporme pa ito nang magbenta ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱6.8 milyon.
Sinabi ng ahente ng PDEA na maaaring ginagamit ni Omar ang pagiging sundalo sa transaksyon ng iligal na droga lalo na ngayon na limitado ang kilos dahil sa COVID-19.