Sundalo na Namahagi ng PPEs, Agad na Isinailalim sa Quarantine

*Cauayan City, Isabela*-Boluntaryong nagpasailalim sa quarantine procedure ang isang miyembro ng kasundaluhan na kabilang sa mga namahagi ng Personal Protective Equipment (PPEs) sa Cagayan Valley Medical Center at grupo ng Philippine Army sa Isabela.

Nakilala ang sundalo na si Concepcion Narag, 56 anyos.

Ayon sa ulat, nagdesisyon ang Health Authorities na isailalim na ito upang makatiyak na makakaiwas ang nakakarami sa banta ng covid-19 habang paraan na rin ng nasabing personnel na mabisita ang kanyang magulang pagkaraan ng pagsasailalim sa 14 days quarantine.


Matatandang nagtungo sa Metro Manila nitong nakaraang Abril 16 ang nasabing sundalo kung saan kabilang ito sa mga namahagi ng PPEs sa Cagayan.

Inaasahan naman ng lahat ang pagbawi ni Pangulong Duterte sa umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon na magtatapos sa Abril 30.

Facebook Comments