Cauayan, Isabela – Ginawaran ng Posthumous Award ang sundalong namatay sa bakbakan sa Patikul, Sulu kamakailan.
Kinilala ng lokal na pamahalaan ng siyudad ng Cauayan ang kabayanihan ni sgt. Roberto tejero jr. Bente siyete anyos, miyembro ng 21st infantry battalion bravo company at residente ng barangay Tagaran sa Cauayan City.
Tinanggap ng kaniyang mga magulang ang naturang pagkilala sa isinagawang flag raising ceremony kaninang umaga.
Si Sgt. Tejero, ang nag-iisang namatay habang 11 sa mga kasamahan nito ang nasugatan nang maka-engkuwentro ng mga ito ang ilang mga miyembro ng Abu Sayaff sa sitio Darayan boundary ng barangay Danag at buhanginan sa bayan ng Patikul.
Facebook Comments