Sundalo na Sugatan sa Engkwentro ng NPA at Militar, Pinarangalan Ngayong Araw!

66

*Cauayan City, Isabela- *Pinarangalan ngayong araw ni Major General Felimon T. Santos Jr, Commanding General ng 7th Infantry Division si Private First Class Dennis D. Tara ng 91st Infantry Battalion, 7th ID, Philppine Army makaraang masugatan sa naganap na engkwentro laban sa mga New People’s Army (NPA) sa brgy. Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, personal na isinabit ang medalya kay PFC Tara sa Fort Ramon Magsaysay Army Station Hospital (FMASH) sa pangunguna ni MGen Santos Jr.

Ito ay dahil sa ipinakita nitong kagalingan at katapangan laban sa mga rebelde na pinuri naman ni MGen Santos Jr.


Facebook Comments