Sundalo na Wanted dahil sa Droga, Natimbog!

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army na wanted sa batas matapos na mahuli sa isinilbing warrant of arrest ng pinagsanib na pwersa ng Iguig Police Station, RIU 02, PIB at RID PRO2 sa Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Dinakip ang akusado na kinilalang si Brigido Jhon Calayan, 27 anyos, nakatalaga sa 81st Infantry Battalion ng 7th Infantry Division sa naturang probinsya.

Si Calayan ay wanted sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Posibleng hindi na makalabas ng kulungan ang akusado dahil walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments