Sundalo nag-alok ng Kasal sa gitna ng operasyon

43

Hindi na pinalagpas ng isang Army Corporal ang kanyang pagmamahal sa kanyang long time girlfriend na isa ring Army Private matapos mag propose ng kanyang pag-ibig sa kalagitnaan ng kagubatan at training operation .
Sa impormasyong nakarating sa DXMY ginawa ng 27 anyos na si Cpl. Denemar Albani ang kanyang marriage proposal sa 26 year old ng kasintahan na si Pvt. Christine Porcadilla sa tulong ng kanyang mga kasamahang elemento ng 33rd IB.
Hindi naman binigo ng sundalong dalaga na nagmumula sa bayan ng Esperanza ang proposal ng kanyang kasintahan na tubong Zamboanga.
Umani rin ng inspirasyon mula sa kanyang mga kasamahan sa Makabayan Batallion ang kadakilaan at pagmamahal na inalay ng Army Cpl. Sa kanyang minamahal ng Army Pvt.
Maituturing rin na isang makaysayang araw para sa 33rd IB ang marriage proposal ayon pa kay Battalion Commander Lt. Col Harold Cabunoc. Agad namang pinayuhan ni Lt. Col Cabunoc ang dalawa na ayusin ang kani kanilang dokumento kasabay ng pagplano sa nalalapit na kasal.

Sinasabing matagl na ring magkasama sina Cpl. Albani na isang Radioman at Pvt. Porcadilla na isang Medic sa operation kontra NPA, BIFF at iba pang mga armadong naghahasik ng terorismo sa aor ng 33rd IB.
33rd IB PIc

Facebook Comments