Sundalo, nagbaril sa sarili habang naka-admit sa ospital

1333

Kinitil ng isang sundalo ang sariling buhay habang nakaratay sa ospital dahil sa pulmonary problem, noong Huwebes sa Tacloban City.

Kinilala ang nasawing si Staff Sgt. Reynaldo Abordo Alidpo, 48-anyos, mula sa Bato, Leyte.

Ayon sa San Jose police, nasaksihan ng kapatid ng biktima, na nagbabantay noon, ang pagtutok nito ng baril sa sarili.


Humingi ng saklolo ang kapatid sa mga nurse, ngunit walang nakapigil sa balak nitong magpakamatay.

Marahil dahilan umano ng sundalo sa pagtapos ng buhay ay ang sakit na matagal na ring iniinda.

 


Sa mga nakararanas ng depresyon o anumang isyung emosyonal at sikolohikal, huwag mag-alinlangang tumawag sa mga sumusunod na Hopeline hotlines:



(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

Facebook Comments