Sundalo natagpuang patay sa loob ng kampo, mga kasamahan nito nagluluksa

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng MPS Pagalungan, Maguindanao sa pagkakatagpo sa wala ng buhay na army staff sergeant sa kanyang quarter kahapon ng umaga sa Brgy. Layog.
Nagtamo ng tama ng bala mula sa m16 armalite rifle sa kanyang leeg na tumagos kanyang ulo ang nasawing sundalo na kinilalang si SSGT. Ruby Balberan ng 38th IB.
Pasado alas sais ng umaga kahapon ng biglang makarinig ng isang malakas na putok ang mga kasamang sundalo ni SSgt. Balberan, at ng tunguhin ang kubo nito ay doon na bumulaga ang wala ng buhay na sundalo sa impormasyong inihayag ni Pagalungan COP SIns Blayn Lumas-e.
Natagpuan sa lugar ang service firearm ng sundalo na sinasabing regular din nito na nililinis dagdag ni Lumas-e.
Nagdadalamhati naman ngayon ang mga iniwang kasamahan ni SSgt. Balberan. Halos nasa 22 taon na sa serbisyo ang pumanaw na sundalo .

Facebook Comments