Sundalo patay sa misencounter sa Quezon Province

84

Patay ang isang sundalo matapos ang naganap na misencounter sa pagitan ng dalawang Batalyon ng Philippine Army sa Sitio Matingan-tingan, Brgy Casay, San Francisco, Quezon kahapon.

 

Ayon kay 2nd Infantry Division Spokesperson Captain Patrick Jay Retumban alas 4:20 ng hapon kahapon nang mangyari ang misencouter habang nagpapatrolya ang dalawang batalyon sa lugar.


 

Ang dalawang batalyong ito ay ang isang squad troops ng  85IB na nagsasagawa ng  Community Support Program sa lugar at  isang  squad ng CAFGU ng  59IB.

 

Sa misencounter nasawi si Private First Class Arvin Peñaredonda na naisugod pa sa ospital pero ideneklarang dead on arrival sa San Francisco municipal hospital.

 

Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng militar upang matukoy ang totoong nangyari paano nagkaputukan ang parehong tropa ng militar.

 

Facebook Comments

From Advertisers