Sundalo patay sa pamamaril sa Brgy. Rebuken Sultan Kudarat

Patay ang isang Army Corporal matapos pagbabarilin sa Brgy. Rebuken Sultan Kudarat Maguindanao pasado alas dos kahapon.
Kinilala ang nasawing sundalo na si Cpl. James Earl Matulac , 31 anyos residente ng Pigcawayan North Cotabato.
Sa report mula PNP , nagmula sa 6th Infantry Kampilan Division sa Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao ang biktima sakay ng Kawasaki Bajaj ng pagsapit sa Rebuken area ay pinagbabaril ng riding in tandem criminals.
Nadatnan ng Sultan Kudarat MPS na naliligo na sa kanyang sariling dugo ang sundalo at wala ng buhay.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kung sinu sino ang responsable sa insidente.
Malaki ang posibilidad na mga myembro ng Liquidation Team ng mga teroristang grupo ng Dawlah Islamiyah ang nasa likod ng pagpatay sa sundalo ayon sa mga otoridad.
Samantala dead on arrival sa Buluan District Hospital ang isang Datu Ali Akmad aka Kudsag matapos mabiktima ng pamamaril sa Brgy Langgapanan, Sultan sa Barongis, Maguindanano.
Sinasabing isang tawag ang natanggap ng SSB PNP alas 9 kahapon ng umaga na may kaso ng pamamaril .
Agad namang nagresponde ang mga ito at dun nadatnan ang duguang biktima. Multiple gunshot wounds ang natamo ni Kudsag mula sa di pa natukoy na kalibre.
Hindi pa nakilala ang responsable sa pamamaril at kung ano ang dahilan nito sa pagpatay sa biktima.

Facebook Comments