Sundalo, patay sa pananambang ng mga hinihinalang NPA

1407

Patay ang isang sundalo matapos umanong tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Guihulngan City, Negros Oriental noong Martes ng hapon.

Sa isang ulat, kinilala ni Major Cenon Pancito, tagapagsalita ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, ang nasawing kawal na si Corporal Mark Anthony Quioschon.


Ayon kay Pancito, patungong Barangay Luz ang biktima para sa isasagawang community support program nang pagbabarilin ito ng mga umano’y kasapi ng special partisan unit ng NPA.

Posible raw na paghihiganti ito ng rebeldeng grupo matapos silang malagasan ng limang miyembro sa engkuwentrong naganap sa Mabinay, Negros Oriental noong Hunyo 18 laban sa tropa ng pamahalaan.

Facebook Comments