Sundalo sa Marantao, Lanao Del Sur – sinibak sa pwesto matapos ireklamo ng pagmumura ng mga sibilyan

Manila, Philippines – Isang sundalo ang sinibak sa puwesto matapos ireklamo ng pang-aabuso sa bayan ng Marantao malapit lamang sa Marawi City sa Lanao del sur.

Ayon kay Captain Jo Ann Petinglay, tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi, tinanggal ang sundalo matapos ireklamo ng verbal abuse o pagmumura.

Noong isang lingo, nagmamando ng checkpoint sa Marantao ang sundalong si Corporal Marlon Lorigas na miyembro ng Philippine Army ng ireklamo ng mga sibilyan.


Bukod sa pagkaka-relieve sa duty, dinis-armahan na rin at isinailalim sa restrictive costudy si Lorigas habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Siniguro naman ni Western Mindanao Command Commander Lt. General Carlito Galvez na hindi kukunsintihin ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang mga pang-aabuso ng mga sundalo.
Sakali aniyang mapatunayang may pang-aabuso si Lorica, papatawan ito ng karampatang parusa.

Mahigpit naman ang paalala ng AFP sa mga sundalo na maging mapagkumbaba at maging magalang sa lahat ng pagkakataon.

Facebook Comments