Sundalo, sugatan matapos mabaril ng isang CAFGU

30

Samar – Sugatan ang isang sundalo matapos aksidenteng mabaril ng isang miyembro ng CAFGU active auxiliary sa Barangay 5 Calbiga, Samar.

Kinilala ang biktima na si Anthon Balledo, 23-anyos, miyembro ng 63 Infantry Battalion at residente ng naturang lugar.


Habang ang CAFGU na nakabaril sa kanya ay si Nelson Ocasla, 24-anyos, residente ng Canavid, Eastern Samar.

Ayon kay PO3 Erwin Ilagan Bernal, imbestigador ng Calbiga Municipal Police Station, pauwi na noon ang biktima kasama ang mga kaibigan nang biglang hampasin ng baril ng suspek ang isang sibilyan.

Inawat naman ni Balledo si Ocasla hanggang sa mauwi sa agawan ng baril ang mga ito at matamaan ang sundalo.

Agad namang naaresto ang suspek at nakuha ang ginamit nitong 45 caliber pistol.

Facebook Comments

From Advertisers