Sundalo suspek sa hold-ap sa Cauayan

CAUAYAN, NEGROS OCCIDENTAL – Patay ang biktimang si Reynaldo Albania, 30 yrs. old, residente ng Sitio Calapnisan, Brgy Inayawan, Cauayan matapos itong hinold-ap at pagbabarilin ng tatlong mga suspek na kinabibilangan ng isang dating sundalo.

Nakilala naman ang mga suspek na si Ramon Gonzales, Brandon Arteo at si Bobby Castro, isang dating sundalo ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ayon sa imbestigasyon ng police, kasamang naglalakad ng biktima ang kanyang ina na si Rosalinda Albania ng sila ang hinarang ng mga suspek, pinagbabaril at kinuha ang dala nilang labing walong libong piso.


Kaagad na nakatakas ang mga suspek ngunit sa ginawang follow-up operations, nahuli ang dalawa sa kanila habang patuloy na at large ang suspek na dating sundalo.

Nakuha sa crime scene ang mga empty shell ng 9mm at caliber .45 na mga baril.

Facebook Comments