SUNDALO, TIMBOG SA PAGBEBENTA NG BARIL SA LUNGSOD NG SANTIAGO

Cauayan City – Himas rehas ngayon ang isang sundalo matapos itong maaresto ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta ng baril sa lungsod ng Santiago.

Ayon sa ulat, ang suspek ay kinilalang si alyas “Jeff”, aktibong sundalo, at residente ng lungsod ng Cauayan City, Isabela.

Nadakip ang suspek matapos nitong magpositibo sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad kung saan nakumpiska sa kanya ang isang Caliber 45 Remington M1911A1 pistol na may kasamang magazine na walang bala, isang caliber 45 rock island M1911 pistol na may kasamang magazine na naglalaman ng limang pirasong Bala, P40,000 buy-bust money na binubuo ng isang tunay na 1000 peso bill at 39 na pekeng 1000 peso bill, at iba pang personal na gamit.


Matapos ang tagumpay na operasyon, kaagad na dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 28 at Section 32 ng RA 10591 o Comprehensive Firearms And Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments