SUNDALONG CAGAYANO, NAKATANGGAP NG VALOR AWARD SA UNITED STATES MILITARY ACADEMY

Cauayan City – Nakatanggap ng prestihiyosong award mula sa United States Military Academy ang isang Cagayano dahil sa ipinakita nitong katapangan sa kanyang trabaho.

Natanggap ni Major Floren Herrera, Philippine Army, ang 2024 Alexander R. Nininger Award for Valor ng United States Military Academy West Point dahil sa katapangan nito noong kasagsagan ng Battle of Marawi taong 2017 kung saan siya ang nagsilbing Executive Officer ng 2nd Scout Ranger Company, 1st Scout Ranger Batallion ng Philippine Army.

Si Major Herrera ang nanguna ng pasukin nila ang gusali na naging daan para malapitan ang mga terorista na nagresulta upang mailigtas ang mga sundalong nakulong sa kuta ng mga terorista.


Ginawaran din si Major Herrera ng Distinguished Conduct Star Award na siyang pangalawa sa pinakamataas na military honor para sa mga sundalo, at apat na Gold Cross Medals.

Si Major Herrera na ngayon ay nagsisilbi bilang Deputy Chief ng Scout Ranger Capability Development Office ang siyang kauna-unahang banyaga at foreign national sa buong mundo na ginawaran ng nabanggit na prestihiyosong parangal.

Facebook Comments