Sundalong inagawan ng mic namaril, 2 patay

Patay ang dalawang katao matapos pagbabarilin ng sundalong inagawa ng mikropono habang kumakanta sa isang handaan sa Bocaue, Bulacan noong Sabado.

Kinilala ang inarestong suspek na si Sgt. Bernardino Maitem Jr., alyas “Black” ng 18th SF Coy Philippine Army sa Puerto Princesa, Palawan, residente ng Barangay Batia.

Sawi naman sina Antonio Geraldo, 47 alyas “Tony” at isang alyas “Putol”, 21, kapwa residente sa nasabing lugar.


Ayon sa ulat, nainsulto ang sundalo nang hablutin ng anak ni Tony ang mikropono habang kumakanta sa dinaluhan nilang birthday celebration ng kapitbahay.

Umuwi umano ang sundalo at nang bumalik ay may sukbit ng baril, dahilan upang magkaroon ng pagtatalo at pisikalan.

Hanggang sa gumamit na ng baril ang suspek na unang tumama kay Putol na agad ding namatay.

Nakatakbo naman si Tony, ngunit naabutan ng sundalo saka binaril nang dalawang beses sa dibdib.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek habang nasa kulungan.

Facebook Comments