Sundalong nagsugal ng buhay para sagipin ang Indo fishers sa Abu Sayyaf, pinabibigyan ng parangal ng isang senador

Iginiit ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na kasamang mabigyan ng parangal ang 50 sundalo na kabilang sa sumagip sa Indonesian fishermen mula sa mga Abu Sayyaf noong Disyembre 2019.

Diin ni Lacson, higit sa mga matataas na opisyal, ay dapat bigyang pugay at parangal ang mga sundalong nagsusugal ng buhay para sa bayan.

Ayon kay Lacson, dapat isama ang mga pangalan ng mga opisyal at sundalo na naging bahagi ng nasabing rescue operation, hindi lamang sa supporting documents kundi sa mismong katawan ng Senate resolution.


Sa pamamagitan ng resolusyon ay makakatanggap ng parangal sila Defense Secretary Delfin Lorenzana at dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana mula kay Indonesian President Joko Widodo.

Sinabi naman ni Sen. Koko Pimentel, bagama’t hindi kasama ang mga pangalan ng higit 50 sundalo sa concurrent resolusyon sa Kamara ay maaari naman nilang isama ang mga pangalan sa bersyon nito sa Senado.

Facebook Comments